03 December, 2006

Ano ba?

Naranasan n'yo ba minsan na parang gusto mong mawala nang biglaan na parang bula nalang. Lalo na minsan na nakakainis at nakakalito ang mga nang-yayari sa paligid. Tapos minsan pa, kung sino 'yung tao na akala mo eh puwede mong maka-usap eh 'yun pa ang sisira ng araw mo... p'wede ba please... tama na ang ka-dramahan, and dami ng problema ang mundo noh.

Ha-hay... ewan ko ba, ano bang naging mali ko at ako'y nag kakaganito? Hindi naman po sa nag re-reklamo ako pero gusto ko sanang lumayo muna o kaya naman eh mag kulong sa isang kuwarto na ako lang. Naalala ko one time, lumayo muna ako sa kabihasnan (hehe tama ba?) Ang sarap ng feelings na mag-isa ka sa isang kuwarto, walang kasama kung 'di sarili mo lang, then feel mo ang dami mong time sa sarili mo, walang masyadong iniisip kung 'di sarili lang. As in... naka-tulong talaga.

Anyway, sige na... tulog na ao at baka bukas maganda araw ko... sana lang.

No comments: