20 July, 2006

Wala Lang

Casserole in the oven, that's how my body feels right now. Sobrang init grabe, nakalimutan ko tuloy kung gaano kainit sa Pinas, feel ko parang mas grabe dito, ha-ha. Kawawa ako nito sa Saturday, we 're going to 6Flags this weekend together with Sis and Bro-in-Laws. Shaun is excited na rin kasi he can't wait to make me jump in sa rides. Naku, wala akong tiwala sa mokong na 'yun noh, I bet maraming ipa-pa try sa 'kin 'yun. Anyways, sa sabado pa 'yon so just wait nalang kayo when we get back... para na akong negra nito pag balik ko, ha-ha.
Wala namang bago sa ngayon, my brother nga pala, he's wanting to go back to Hawaii kasi may job offer sa kanya which is okay naman kasi mas malaki ang pay and less hirap. We'll miss him pero if it's for his own good.... I'll support him.
Miss ko na rin family ko pero ano ba naman ang magagwa ko sa ngayon? Kahit nga 1 day of absence eh ayoko kasi masyadong in demand ang position na pinasukan ko, susko... ewan ko lang kung mag bakasyon pa ako nito. Hindi naman sila strict, kaso lang, when I get back, ganu'n din, patong-patong pa rin tratrabahuin ko diba? So what's the use of your vacation leave kung babalik ka na ma-stress ka pa rin. Aba ewan.
Sa ngayon, happy ako... sa ngayon lang ha... LOL. I bet pansin nyo na Tag-Lish ako ngayon... ano say nyo? he-he. Well, napag isip-isip ko kasi, parang ang hirap i-express ang lahat ng gusto mong sabihin kung trying hard tayo sa English diba, nauubusan na nga ako eh, minsan mali-mali pa grammar and spelling... so 'ala na akong pake sa mga taong hndi makakaintindi nito, mwah-haha.
So pano... dito nalang muna po ate Helen, hehe. I'm so tired and shwet... ang sakit ng tummy ko.. alam nyo na kung bakit...hehe.

No comments: